VG Love Story

First time i saw him in church. It never came to my mind na magiging isa siyang espesyal na tao sa buhay ko.

He has someone especial in his heart also, kung saan binabahagi niya din sa akin. Kung paano niya pinapakita ang kanyang pagmamahal dito halimbawa nalang sa pamamagitan ng cellphone screen na binayaran niya sa operator para hindi madelete ng kanyang mahal. Dinidelete kasi nito ang ginagawa niyang graphic pics na pangalan nito sa tuwing magkasama sila.

Ibinabahagi din ng aming Pastor na may iniiwan siyang loveletter para sa kanyang minamahal bago siya umalis at pumunta sa lugar kung saan siya nagtratrabaho. Boto sa kanya ang parents ng babae.
Boto din ako sa babaeng minamahal niya para sa kanya kasi bagay sila.

Dumating ang panahon na nagdecide siyang maging Pastor and he undergoes training kung saan pwedi siyang umuwi once a month depends on the circumstances.

At sa panahong umuuwi siya may mga panahong nakakasama ko din siya, isa kasi ako sa sanguniang kabataan member and we facilitate games sa aming communidad, at dahil sa wala siyang magawa at nanunuod siya ng mga laro dahil  isa din sa player ay ang karelasyon ng kanyang kapatid. 

May mga panunuksong ginagawa ang aking mga kasamahan dahil halos di matapos ang aming kwentuhan at kung saan ako pumunta'y doon din siya, ganoon din ang mga di seryosong panunukso ng aming Pastor sa amin, kung bakit daw sa malayo pa nakatingin si kuya V eh meron naman daw sa malapit. Isang beses na pumunta ako ng church at tamang tama na magbibreakfast ang Pastor namin ng pancit canton pati kaming dalawa ay sinama sabay sabing date daw naming dalawa yun.
Parang wala lang naman 'to sa amin dahil klaro kasing may iba-iba kaming especial na tao sa aming mga puso.

May ka-mutual din kasi ako sa panahong yun, which is si J. 

Before graduation ng highschool kailangan namin matest ang aming study, sa kasamaang palad malayo ang testing center. At naisip ko siya kasi isa yun sa lugar na kinukwento niyang pinupuntahan niya at malapit lang doon ang testing center that's why i ask favor from him, na kung pwedi siya nalang ang pumunta at kami nalang ang magbabayad ng pamasahe, timing din kasi na examination week namin at di kami makapunta. Malaking tulong siya sa aming study, because he just not give us a hand but also helps us in some ideas with our studies.

One night we texted each other, and came to a topic of what if???
-He said kung papipiliin siya sa aming dalawa ng babaeng minamahal niya, mahirap daw pumili pero sa huli yun daw ang pipiliin niya.

-So what if kaming dalawa for a year  then pagdumating ang true love niya, quits na kami agad-agad and vise versa.

-Deal? sabi ko naman hindi ko alam anong isasagot sa topic na ako naman ang nag-umpisa. Soo sabi ko bukas ko nalang sasagutin kung tutuloy or hindi.

After church service, nakita ko siya sa labas ng church, kausap ang mga kapatiran sa simbahan. i'm doing my routine, cleaning the church when all of the sudden i feel alone inside the church wala na kasing naiwan sa loob...  thinking na joke lang yun.. walang katotohanan sa mga pinag-usapan namin kagabi.. at bigla kong nadinig na bumukas ang pinto...

At the moment na pumasok siya sa church bigla akong kinabahan habang halos di ko siya maaninag dahil sa reflection ng sikat ng araw sa salamin.

When he ask, "ano itutuloy ba natin? 
-a moment i can't answer and another sec i uttered "OK".

I could sense his wide smile while going out the church habang sinasabing, " Tandaan mo ang araw na to kung kelan mo ako sinagot: September 14, 2008.




No comments:

Post a Comment