Friday, May 28, 2021

Salamat, Panginoon

by: Musikatha

Ikaw ay mabuti, bawat sandali
Sa habang buhay ay mananatili
Hindi mapapawi, o maikukubli 
Maging sa dilim ng gabi

Sandigang matibay ang 'Yong pangako
Lakas at pag-asa ng aking puso
Hindi na mabilang pagkakataon
Patunay ng katapatan Mo

Koros:
Sa dalamhati at sa kabiguan
Sa pagluha ng pusong nasugatan
Sa pagsubok na Iyong pinahihintulutan
Salamat, Panginoon
Sa katugunan sa aking dalangin
Sa kalakasang sa'Yo nanggagaling
Sa pagtuturo at pagtutuwid Mo sa'kin 
Salamat, Panginoon

Bridge:
Ikaw ay mabuti, Ikaw ay tapat
Sa'Yo ang papuri at pasasalamat



No comments:

Post a Comment