Friday, May 28, 2021

Nilingap

by: Carche Rosende, GMA Baesa

Nilingap sa piling Mo
Buhay na walang hanggan
Ang aking nakamtan dahil sa'Yong pagmamahal

At dahil sa biyaya Mo, ako'y naligtas
Ang kagalakan Mo'y kalakasan ng buhay ko

Refrain:
Kung kaya't ang puso't damdamin
Ibibigay na rin
Ang kayamanang handog Mo sa'kin
Di ko matanggihan

Koros:
Kaybuti Mo, di Mo 'ko iniwan
Sa'Yong tabi, di pababayaan
Sa'Yong tahana'y mamamalagi
Kailan pa man
Kaybuti Mo

No comments:

Post a Comment