Friday, November 10, 2017

Sagot Sa Aking Panalangin

Ika'y sagot sa 'king panalangin
Na kay tagal ko nang hinihiling
Kaya ikaw ay iibigin
Habang buhay ay mamahalin

Sa'yo ako'y magpapasakop
Handa laging sayo ay sumunod
Katulad ng pagtatalima ko
Sa Panginoong Hesu-Kristo
Sa Panginoong Hesu-Kristo

Ikaw ang siyang kaloob sa akin
Ang sagot sa aking panalangin
Kaya naman ang laang pagmamahal
Pangalawa lamang sa Maykapal
Aking mahal

Ikaw na nga
Ang siyang kaloob sa akin
Ang sagot sa aking panalangin
Kaya naman ang laang pagmamahal
Pangalawa lamang sa Maykapal
Aking mahal

No comments:

Post a Comment