Thursday, November 9, 2017

Buhay Ko, Gamitin Mo


Ang buhay ko ay naiba Hesus
Nang makilala Ka lahat ay nagbago na
Dahil Sayo buhay ko'y sumigla

Oh Hesus ang buhay kong ito
Na nanggaling Sayo
Gamitin Mo sa kaluwalhatian Mo
Oh Hesus ang buhay kong ito
Ngayo'y gamitin Mo
Punuin Mo ng Banal Mong Espirito

Kaligtasan ko Sayo ay natamo
Tunay na pag-ibig Mo'y aking naramdaman
Sa presensiya Mo lahat ay nakamtan

Ang buhay kong ito'y inaalay Sayo
Gamitin mula ngayon at magpakailanman

By: Ptra. Flor Sebio

No comments:

Post a Comment